ARCHIVES
May 2009
June 2009
July 2009
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
December 2009
January 2010
February 2010

:wala kang ibang gagawin kundi pindutin :) simple hindi ba? o ano? handa ka na? rock-rockan na!
ako: Ma, pagod na akong mag-aral. ayoko na. suko na
ako.
mama: huh? high school ka pa lang e
pagod ka na?
ako:
SOBRA! ayoko na nga
e.
mama: edi sige, huminto ka. mas maganda
nga
bawas gastos
Medyo may katagalan na rin pala magmula noong namatay si President Cory. E hanggang ngayon, feel na feel ko pa rin ang nagluluksa. haha! Di nga lang halata. e hindi ba kulay dilaw ang paborito niya? kaya inaalay ko itong litratong ito para sa kanya. Sana e, masaya na siya ngayon kung nasan man siya. PAALAM PRESIDENT CORY. you are worth to be kept.
"Kung si Gloria kaya mamamatay? Ganito rin kaya ang mangyayaring pagluluksa ng sambayang Pilipino?"----yan ang linyang biglang sumagi sa isipan ko nung mapanood ko ang libing ni Aquino. OMFG! ang daming tao, geeeezz.. alam kong masyadong O.A ito sa mga batang kasing tanda ko. pero, paumanhin. Malaking bagay pa rin sakin to bilang estudyante at mamayang Pilipino. hahaha! loko lang. ebak talaga.
Hindi nga, pero totoo. Ganito rin kaya magluksa ang mga Pilipino? Tingin ko e hindi, sa lahat ba naman ng kabulastugang ginawa ni Arroyo e sa tingin niyo mamahalin pa siya ng bayan? dyahe naman. hindi na yata. haha! Meron nga dati e, habang nagkklase kami sa chemistry. Biglang itinanong ng teacher namin..
"ANONG PLANO NIYO SA BUHAY PAGLAKI NIYO?"
tapos biglang tumayo yung isa kong kaklase sabay sabing...
"I-ASSASINATE SI GLORIA"
haha! nakakatuwa:) wala lang. nabanggit ko lang
naman.
nga pala, hindi yata nagtugma yung title ko sa
entry na to. di bale, haha. ayos lang. malungkot pa rin naman ako kahit papano
e. E nung isang linggo, dumating ang bago naming aso.
Ang totoo niyan e, isa siyang labrador. tinawag ko lang syang polar bear dahil sa kulay niya. hindi ba't ang cute?:) dehh. 3months old na siya. Kaya makulit, sa katunayan nga e yung mga ganyang edad ng aso yan yung stage na naghahanap lagi ng may kinakagat. Kaya nung isang gabi, pagkagising ko e sira na isang pares ng slippers ko. haha! Makulit nga e, kagat ng kagat.
btw..
nung sabado e, naisipan kong magbake ng cake^^ kaya ayun.. sinimulan ko ng umaga tapos tanghali naman natapos. Haha. mocha flavor siya tapos nilagyan ko nalang ng mga palamuti. Tapos kulay dilaw rin ang icing, syempre para cory aquino. kaya dilaw. haha!:DD
Ang totoo niyan e, masarap naman siya. pero di nga lang siya mukhang cake. yun yung nakakatawa. haha! Di bale. di ko na nakunan nung yung cake mismo ginagawa ko. kaya ayan, icing lang. haha. patawad:DD

