holla! ngayon lang uli sinipag gumawa ng entry.
haha. may klase ngayon at kasalukuyang computer ang subject, ibig sabihin e andito ako ngayon sa computer lab ng school. akala ko nung una e hindi pwede bisitahin ang website na ito:D haha.
nakakatawa pa e kasi hindi na ako mabobored tuwing computer subject:) ang maganda kasi dito e, dito ako lagi nakaupo sa dulo. kaya hindi ako mapapansin;D
asar naman kasi paminsan tong computer teacher namin oo. paminsan bigla nalang sisigaw ng "LESEN" e hindi naman namin maintindihan. yun pala, listen. naku. *sigh..
anyway, asar na asar talaga ako sa classroom namin, lalo na sa mga kaklase ko. masyado silang mga PRANING pagdating sa jabbawockeez. pagpasok ko pa lang ng silid aralan e maririnig mo na agad mga nagbubulungan na..
"hala.. grabe. ang galing nila no? nanalo yan sila
sa..ano nga yun?"
wala lang, annoying lang masyado. hindi naman kasi sa nagmamayabang ako. ako kasi, gusto ko yung hindi pa sikat, mapa-banda man, artista, movie, libro.. ah basta HINDI PA SIKAT! yan ang gusto ko, kasi kapag nabalitaan kong sikat na, e yun. nakakaumay na. puro bukambibig na ng mga tao. ayos na yung ikaw lang nakakaalam para COOL. hindi ba? yan ang hanepp men!:P
parati nilang sinasabi na nanalo raw sa america's best dance crew last month, last week. what the heck?! matagal na yan na issue no.. tsss.. tapos dati pag nagkkwento ako sa kanila tungkol sa mga hindi pa sikat tulad nalang ng jabbawockeez e napapa "huh?" sila. tapos ngayon, pinagsisigawan na alam nila.
dudettes, matagal na yan.. tsss.
at eto pa, etong katabi ko ngayon naghahanap ng photos ng nasabing dance crew. sabay tili.. "halaaa! super duper cuuuteee!"
gusto ko na tuloy lumipat, e kaso di ko magawa. magandang pwesto dito e. haha!:D
--xoxoxo--xoxoxo--
nga pala, tungkol naman sa movie project namin e sa wakas! nakataping na rin kami. meron na kaming scene 1. hahahahahahaha!;P
dagdag pa ng sakit ng ulo etong english teacher namin, pano kasi dapat evry quarter lang kami may project. pero iba siya, dapat every exam may project. akala niya kung madali lang pagkatapos maikli lang ang oras na ibibigay. hello?! mag-isip kaya muna siya. hirap kaya nun. wala akong magagawa..
teka nga, pansin ko nitong mga nakaraang buwan e tukol sa mga teachers ang problema ko. HINDI LANG BA NILA NARIRINIG ANG HINAING KO?! haha.. sana nga naririnig nila.
tama nga si inna, sana gumuho ang mundo at sna e malusaw lahat ng mga WALANG AWANG MGA GURO! wish me luck buddies. wheeeww.. ciao!