NOTE: opinyon ko ho ito, walang magagalit.
*sigh, sa buong buhay ko habang nag-aaral aba e hindi pa ako nagkaroon ng guro na tulad niya. ang totoo nga niyan e, religion teacher namin siya at bagama't lahat ay naiinis sa kanya, e wala na kaming magagawa kundi ang magtiis. Medyo matagal tagal pa ang natitirang buwan para pagtiisan namin siya, lalo na ako. heto't nagpupumiglas na.
mabait naman siya kung tutuusin e. yun nga lang, medyo may topak. anak ng teteng! ANG BABA MAGBIGAY NG GRADO! kapag nagkaroon kami ng pagsusulit na puro explanation lang e naku, tiyak na bagsak ka. masyadong matipid! E HINDI NAMAN SIYA ILOCANO:)
heto pa ang malupit, madalas niyang nilelecture ang mga bagay na hindi naman nakalagay sa libro, ano? naku, BUHAY NG MGA SANTO AT PARI ANG ITINUTURO. para daw malaman namin. tss, tapos ang masaklap pa hindi niya ito ipinapakopya kundi idinidictate lang. pagkatapos hindi mo pa maintindihan dahil sa pronunciation niya. meron nga akong isang kaklase na isinulat niya ang salitang "STEADY" sa kanyang kwaderno, e ang tinutukoy pala nitong guro na to e "STUDY" anak ng pagong naman oo!
ganyan siya, hindi mo maiintindihan. heto pa, san ka eng reflection notebook sa loob ng silid aralan ipinagagawa. e ang totoo naman e dapat ipinauuwi yan ng bahay. ang mas hanep pa e APAT NA REFLECTIONS ANG GAGAWIN MO NAMAY 20 SENTENCES SA DALAWANG PARAGRAPH. HINDI LANG YAN, ISALI MO PA ANG PRAYER NA DALAWANG PARAGRAPH DIN. SA LOOB NG ISANG ORAS! ohaaa? san ka? kaya mo yan?
isa pa, pinagawa kami ng proyekto sasabihin ngayong araw at pagkatapos e ipapasa bukas. ohaaa? tapos ang gradong ibibigay sayo bagsak. ANG LAKI PA NG TSEK NA ILALAGAY SA PROYEKTO MO KADA PAHINA. Ang mga kaklase ko, out of 100 e ang mga scores 18, 37, 34. kita mo? hayopp ang dating men! ako? tsk. huwag mo ng itanong, kumakapit lang ako. 59 over 100. UUUGGGGGHHHHHHHH!!!! grabe!
heto pa, sarili niya lang iniisip niya. bakit? heto.
01.) sabi niya kapag gumawa raw kami ng proyekto dapat may letter galing sa mga magulang kung iccomputerize ito para hindi raw SIYA mapahamak.
02.) mag-qquiz na raw kami ng pagkahaba-haba para hindi raw SIYA mahihirapan mag record at maghabol ng mga grado namin.
03.) ididictate niya lang daw ang mga lessons namin at kami na ang bahalang magsulat nito sa kwaderno para hindi raw SIYA mapagod.
seee? hanepp dibaa? ganyan ang terror naming guro. ohaa? san ka pa? anaka ng teteng.