Ito ang nag-iisang blog na walang kupas, nonsense at walang nagbabasa. ayos lang, basta ba enjoyy akong nagkkwento:D
Y S S A ang pangalang ibinigay sakin ng mga magulang ko.
Ipinanganak ako noong 09/26/94. Ha? nagbilang ka ba? Oo, 15 taon na akong nabubuhay sa mundong ating ginagalawan.
Pero asa ka, iba ang mundong kinagisnan ko.
Hindi ako perpekto, Madalas akong nakakagawa ng katarantaduhan at pagkakamali, bagay na di ginagawa ng isang matinong tao. haha :DD
Mahal ko si
BRO. OO naman, isipin mo nalang ang kapangyarihang taglay niya. at kung kapangyarihan naman ang pag-uusapan aba e siyempre pa
meron ako niyan. Huwag mo nalang itanong dahil hindi ko rin naman sasabihin. haha :)
KORNI ba kamo? O sige, malaya kang kutyain ako.
Mahilig akong mangolekta ng libro-- na siya namang hindi lahat e binabasa ko. haha :D Kaya naman laging sumasagi sa isipan
ko si Pareng Mortimer Adler na siyang nagpasikat ng katagang " HINDI TALAGA LIBRO ANG PAG-AARI MO, KUNDI MGA TINTA AT PAPEL."
Oh dibaa? mas swabe ba sa salitang swabe. haha :)
Pero di nga, nagbabasa naman talaga ako e. Tulad nga ni Pareng Bob, Nang matuto akong magbasa, nasidkubre ko rin ang
kalayaang maglibang ng walang kabayaran. hehe :P (TRIVIA: malapit kami sa isa't isa. haha.)
Patok na patok sakin ang mga matitingkad na kulay. haha. Ang totoo nga niyan e nagmistulang rainbow na ang kwarto ko. haha :PP ang hindi niyo alam
e halos lahat na andun e ninenok ko lang sa kapatid ko. haha! Madalas ko siyang nadedenggoy.
Hindi talaga ako madalas pumapasok sa mga library ng mag-isa dahil bukod sa ayokong maging
"loner" e naniniwala akong lahat ng mga
librarian ay kasing bangis ng mga tigre! haha. nakakatakot! :DD
GUSTO KONG:
patigilin ang oras.
makapaglakad sa ibabaw ng tubig.
magkaroon ng powers tulad ng telekenesis.
maging isang tanyag na manunulat.